Pagkakasakdal ni Cimatu sa cyber libel, kinondena ni Ressa

Pagkakasakdal ni Cimatu sa cyber libel, kinondena ni Ressa

December 15, 2022 @ 2:48 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Inihayag ni Nobel Peace Prize winner aat nd Rappler CEO Maria Ressa nitong Huwebes na isang freedom of speech issue ang cyber libel conviction kay Baguio-based journalist Frank Cimatu.

“This is not a freedom of the press issue. This is his personal thought, opinion on his Facebook page. So this isn’t a journalistic piece of work,” ani Ressa.

“He didn’t write a report… This is freedom of expression more than it is freedom of the press.”

Sinabi ni Ressa, na nahaharap sa hindi bababa sa 7 criminal charges kabilang ang cyber libel, na ang nangyari kay Cimatu “sends a very difficult signal for the Philippines, that you have to be careful what you say.”

“It’s a push against freedom of expression,” patuloy niya.

Nauna nang sinabi ni dating Agriculture Secretary Manny Piñol, na naghain ng cyber libel complaint laban kay Cimatu, na dapat ituring ang kanyang “legal victory” na aral na “press freedom isn’t absolute.”

Nahatulang guilty si Cimatu ng Quezon City court sa kanyang 2017 Facebook post, kung saan nakasaad: “Agri Sec got rich by 21 M in 6 months. Bird flu pa more.” 

Iginiit ng korte na defamatory ang post, na pinapalabas umano na nagsagawa ng korapsyon si Piñol.

“If we’re going to begin to set trends like this then our courts have to be prepared to deal with everything else,” ani Ressa. RNT/SA