Pagkakasangkot ng NPA sa pagkakawala ng mga bata sa GenSan iniimbestigahan ng PNP

Pagkakasangkot ng NPA sa pagkakawala ng mga bata sa GenSan iniimbestigahan ng PNP

July 14, 2021 @ 4:26 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Iniimbestigahan na ng pulisya ang posibleng pagkakasangkot ng New People’s Army (NPA) sa pagkawala ng mga bata sa General Santos City nitong Abril.

Ayon kay Col. Gilberto Tuzon, city police director, nakatanggap ng ulat ang pulisya na nagsasabing aktibo ang mga ito sa Facebook ngunit hindi sumasagot sa panawagan ng kapulisan.

Nakipagtulungan na ang pulisya sa Regional Anti-Cybercrime Unit-12 upang matukoy ang lokasyon ng mga ito.

“There’s a possibility that they were recruited by the NPA or joined left-leaning organizations,” ani Tuzon.

Walo ang naiulat na nawawala kung saan apat sa mga ito ay mga menor-de-edad. RNT/ELM