Pagkakasibak sa PDP-Laban, pinalagan, iligal

Pagkakasibak sa PDP-Laban, pinalagan, iligal

July 11, 2021 @ 2:52 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Pumalag ang isa sa mga nasibak na dating miyembro ng ruling party na PDP-Laban sa naging desisyon ni acting president Sen. Manny Pacquiao.

Matatandaang inalis sa partido sina deputy secretary general Melvin Matibag, vice chairman Alfonso Cusi and membership committee Head Astra Naik dahil umano sa paglabag sa ilang mga probinsyo ng konstitusyon ng partido.

Ayon kay Matibag, hindi niya kinikilala ang nasabing hakbang. Giit niya na hindi niya pa natatanggapa ng opisyal na kopya ng kanyang pagkakaalis sa partido.

“‘Yung ginawa po nilang aksyon na yan na pagpapatalsik daw sa amin ay labag po sa bylaws ng ating partido. Wala pong disciplining authority ang National Executive Council, lalo’t higit yang komite na yan, komite lamang na crineate ni Sen. Manny Pacquiao,” ani Matibag sa interbyu sa Teleradyo.

“Maliwanag po sa bylaws ng PDP, Article 7, sinasabi run, ang pagdisiplina sa mga miyembro, ang puwede gumawa niyan ay ang chapter kung saan sila nabibilang or kung saang national council sila ay napapaloob.”

Giit ni Matibag, na dahil sila ay mga opisyal ng PDP-Laban ang makapagpapaalis sa kanila ay ang National Council, sa pamamagitan ng two-thirds na boto.

Pinabulaanan niya rin ang nasabing dahilan na siya, at ang iba pang pinatalsik sa partido, ay nakipagsanib pwersa na sa ibang partido, kaya umano sila natanggal.

“May provision ang aming bylaws, nagsasabi ang PDP-Laban ay ‘di pinipigilan makipag-alyansa sa ibang partido. Malinaw po ito, ang sineserve ng ginagawa nila ay personal na interes ng iisang tao na naghahangad tumakbong pangulo ng bansa na gagamitin ang partido,” aniya pa. RNT