Pagkakatalaga kay ex-PNP chief Cascolan bilang DOH Undersecretary, inalmahan ng AHW

Pagkakatalaga kay ex-PNP chief Cascolan bilang DOH Undersecretary, inalmahan ng AHW

October 24, 2022 @ 10:30 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Tinuligsa ng Alliance of Health Workers (AHW) ang pagkakatalaga bilang undersecretary ng Department of Health (DOH) ni dating PNP Chief Camilo Cascolan.

Sinabi ng AHW na ang pagtatalaga ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., kay Cascolan ay malinaw na pagpapakita ng labis na kawalan ng malasakit ng pangulo sa buhay, kalusugan, kaligtasan at kapakanan ng mga manggagawang pangkalusugan at ng buong bansang Pilipino.

“Cascolan’s appointment is a huge insult to our health experts who are most qualified to administer and run the affairs of the DOH,” ayon sa grupo.

Sinabi ng AHW na si Cascolan ang nag-akda ng Oplan Tokhang sa ilalim ng administrasyong Duterte at sinabing gusto nilang makipagtulungan sa isang undersecretary na may “malinis na track record, hindi isang red-tagger, isa na ang mga kamay ay hindi nabahiran ng madugong digmaan sa droga at isang tunay na nagtataguyod ng rule of justice .

“Thus, AHW asserted that Cascolan’s appointment runs counter to DOH mandate of ensuring the provision of quality health service that every Filipino people deserves and in upholding the quality of life, respect for human dignity and protect the health and safety of the health workers and the Filipino people,” sabi pa ng grupo.

Nanawagan din ang AHW kay Marcos na magtalaga na ngayon ng health secretary na umano’y determinadong protektahan at ipagtanggol ang mga manggagawang pangkalusugan laban sa diskriminasyon, pananakot at karahasan kabilang ang mga kaso ng red-tagging at pagpatay.

Isang nagpapahalaga sa pagiging makatarungan ng mga manggagawang pangkalusugan ay nananawagan para sa pagtaas ng sweldo, mas magandang benepisyo at makataong kondisyon sa pagtatrabaho. Isang hepe ng DOH na uunahin ang kalusugan ng mga tao higit sa ano pa man. Jocelyn Tabangcura-Domenden