Pagkalas ng Tsina sa pagpondo ng 3 railway project, ‘di problema-solon

Pagkalas ng Tsina sa pagpondo ng 3 railway project, ‘di problema-solon

July 17, 2022 @ 1:00 PM 3 weeks ago


MANOLA, Philippines – Para kay Albay Representative Joey Salceda hindi balakid at problema ang pag-withdraw ng China na pondohan ang mga big ticket projects ng Pilipinas, dahil maaari naman lumapit pa sa ibang kaalyadong mga bansa.

Sinabi rin ni Salceda na hindi maitututing na “setback” ang funding withdrawal ng China bagkus ay maaari pa itong magbigay daan upang makipagalyansa ang Pilipinas sa ibang bansa gaya sa bansang Japan na noong una pa lamang ay katuwang na ng bansa sa mga mahahalagang proyento nito.

“Japan has just provided the trains for the new North-South Commuter Railway Project a few months ago. And our countries are closer than ever. I think Japan will be very happy to take over financing a project that China has vacated,”ani Salceda.

Sinabi ni Salceda na sa naging desisyon ng China ang kasunud na hakbang para sa bansa ay maghanap ng project funders.

“The next step is not to try to persuade China to back us up again, but to simply look for other funders. Our development should not be used as diplomatic leverage among supposed friends. If they want to finance our development projects, they are welcome to, at the right terms. But if they don’t want to, we can always find others,” paliwanag ni Salceda.

Isa sa nakikitang solusyon ni Salceda ay gamitin ang koneksyon nito para lapitan din ang South Korea.

“I will try my line with both [Department of Transportation] Secretary Jaime Bautista and my network as former Green Climate Fund chair and current adviser to the Incheon Metropolitan City in Korea to see which countries would be happy to take China’s place. China was not the only proponent of funding railway projects in the country, after all South Korea even gave the Philippines more foreign aid and grants than China last year”dagdag pa nito.

 

Igiiit pa nito na ngayong out na ang China ay mas magkakaroon ng ugnayan ang Pilipinas sa ibang bansa gaya na lamang sa Singapore at Estados Unidos. Gail Mendoza