Pagkalat ng COVID-19 sa NCR matumal – OCTA

Pagkalat ng COVID-19 sa NCR matumal – OCTA

May 30, 2022 @ 12:30 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Nakapagtala ang National Capital Region (NCR) ng “very slow” na pagtaas sa kaso ng COVID-19 nitong mga nakaraang linggo sa pagtaas ng daily average sa 2 porsyento noong nakaraang linggo, ayon sa independent monitoring group OCTA Research nitong Lunes.

Sa isang tweet, ipinakita ni OCTA Research fellow Dr. Guido David ang datos na ang naitalang daily average ng bagong COVID-19 cases mula Mayo 23 hanggang May 29 ay 74– bahagyang pagtaas sa 2 porsyento mula sa 72 na naitala mula Mayo 16 hanggang Mayo 22.

Naitala naman ang one-week average daily attack rate (ADAR) sa rehiyon sa 0.52.

Samantala, nasa “moderate” category na ngayon ang reproduction number sa NCR, matapos tumaas mula sa 1.02 sa 1.08 sa nakaraang linggo.

Tumaas din ang positivity rate mula sa 1.2 porsyento sa 1.4 porsyento, at nakapagtala ng 11,047 tests kada araw.

Naiulat din ng OCTA na ang healthcare utilization sa NCR ay tumaas mula sa 22 porsyento sa 23 porsyento, subalit nananatili sa “very low” category.

“Overall, NCR remained at low risk. An uptick in cases is observed in the NCR, but the rate of increase in new COVID cases is very slow at this time,” ani Guido. RNT/SA