Pagkalat ng monkeypox ‘di mapigilan; WHO naalarma

Pagkalat ng monkeypox ‘di mapigilan; WHO naalarma

June 30, 2022 @ 7:26 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Ikinaalarma ng World Health Organization ang nangyayaring “sustained transmission” o napananatiling hawaan ng monkeypox sa buong mundo.

Giit ng WHO maaaring magsimula kasing mahawaan na ang mga indibidwal na ay high-risk tulad ng mga buntis na kababaihan, at immunocompromised na mga tao at mga bata.

Sa ngayon ay iniimbestigahan na ng WHO ang mga ulat na mga nahawaang bata ng monkeypox, kabilang ang dalawang kaso sa Britain, pati na rin ang mga sumunod na mga ulat sa Spain at France. Wala naman sa mga kaso sa mga bata ang naging malubha o severe.

“I’m concerned about sustained transmission because it would suggest that the virus [is] establishing itself and it could move into high-risk groups including children, the immunocompromised and pregnant women,” ani  WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus.

Mayroong higit sa 3,400 kaso ng monkeypox, at isang ang naitalang nasawi, mula nang magsimula ang outbreak noong Mayo.

Natuklasan din na dumami ang kaso sa Europa sa mga lalaking nakikipagtalik sa kapwa lalaki, ayon sa tally ng WHO.

Mayroon ding mahigit 1,500 na kaso at 66 na pagkamatay sa mga bansa ngayong taon kung saan mas madalas itong kumakalat.

Bagama’t sinabi ng WHO noong nakaraang linggo na hindi pa maituturing na a isang public health emergency ang outbreak. Jocelyn Tabangcura-Domenden