Pagkalos ng ilang screening procedure sa NAIA ipinatupad na

Pagkalos ng ilang screening procedure sa NAIA ipinatupad na

December 2, 2022 @ 7:46 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Sinimulan na ng Manila International Airport Authority (MIAA) magkalos ng ilang initial screening procedure sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.

Pero siniguro naman ni Ma. O Aplasca, Office for Transportation Security (OTS) administrator, na ang pagkalos sa ilang screening procedure ay nakabatay at nakasusunod pa rin sa international standards.

Sa kabila nito, tuloy pa rin ang pagpapatupad sa ilang security procedures tulad ng paglalagay ng mga armadong tauhan at sasakyan sa curbside; pagpapakalat ng intelligence officers, at K9 units.

“Para sa ibang (NAIA) terminals, magsasagawa rin kami ng kinakailangang assessment,” aniya.

Ang MIAA, ani Senior Assistant General Manager Bryan Co, ay sumangguni sa mga airline at government security agencies tungkol sa hakbang na ito upang mabawasan ang mahabang pila sa paliparan.

Mahigpit na babantayan ng MIAA ang pilot test bago ito ipatupad sa iba pang mga terminal, aniya. RNT