Pagkalos ng VAT sa utility bills itinutulak sa Kamara

Pagkalos ng VAT sa utility bills itinutulak sa Kamara

November 14, 2022 @ 4:14 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Inihirit ni House of Representatives deputy minority leader France Castro nitong Linggo sa committee on ways and means na simulan nang talakayin ang proposed measures sa pagkalos ng value added tax (VAT) sa public utilities gaya ng tubig, kuryente at toll.

Binanggit ng ACT Teachers party list lawmaker ang pahayag ni Albay Rep. Joey Salceda na ipinag-utos ni Pangulong Marcos na pag-aralan ang posibleng pag-alis ng VAT mula sa public utilities o services.

Sinabi ni Castro na dapat ikasa ng House committee on ways and means, sa pamumuno ni Salceda, ng pagdinig sa House bill Nos. 5994, 5995, 5996 at 5997 sa pagkalos ng VAT mula sa electricity systems loss, electric bills, toll fees at water bills “so we could start discussions and immediately lift the burden from consumers.” RNT/SA