Pagkalos sa PS-DBM, PITC pinag-aaralan na ni Dominguez

Pagkalos sa PS-DBM, PITC pinag-aaralan na ni Dominguez

September 15, 2021 @ 7:56 PM 6 days ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Sinabi ni Finance Sec. Carlos Dominguez III sa isang Senate hearing na bukas siya sa panukalang pagkalos sa Department of Budget and Management’s Procurement Service (PS-DBM) at Philippine International Trading Corporation (PITC).

Ang nasabing dalawang ahensya ng gobyerno ay kabilang sa pagbili ng medical supplies sa gitna ng COVID-19 pandemic.

“I believe it’s worth looking at. I believe all agencies in government, all agencies should be regularly reviewed for possible abolition in the same way we do in the GCG,” anang Finance chief.

Ang komento ni Dominguez ay matapos na magsampa ng dalawang panukala si Senator Imee Marcos na nag-aabolish sa PS-DBM at PITC dahil umano sa “systemic corruption” sa ahensya. RNT


  •  
  •  
  •