Pagkamatay ng NDF consultant, paiimbestigahan ng CHR

Pagkamatay ng NDF consultant, paiimbestigahan ng CHR

December 3, 2022 @ 9:31 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Magkakasa ng sariling imbestigasyon ang Commission on Human Rights (CHR) sa pagkamatay ng National Democratic Front (NDF) consultant na si Ericson Acosta at isa pang kasamahan nito sa Kabankalan City, Negros Occidental.

“Yes, we will conduct a motu proprio investigation,” ani CHR commissioner Jacqueline de Guia sa panayam ng GMA News nitong Biyernes, Disyembre 2.

Ito ay matapos na humingi ng tulong sa Komisyon ang human rights groups alliance na KARAPATAN patungkol sa naturang insidente kung saan si Acosta at ang kasamahan nito na si Joseph Jimenez ay napatay sa isang military operation nitong Miyerkules.

Batay sa inisyal na ulat ng NDF-Negros, sinabi ni KARAPATAN secretary-general Cristina Palabay na si Acosta at Jimenez ay nahuling buhay madaling araw noong Nobyembre 30 sa Sitio Makilo, Barangay Camansi ng naturang lungsod na kalaunan ay tinukoy ng Armed Forces of the Philippines (AFP) bilang casualties sa isang “fake encounter.”

Agad naman itong pinabulaanan ni AFP Spokesperson Medel Aguilar at sinabing kasinungalingan ang report ng NDF at sinusubukan ng grupo na idiscredit ang militar.

Ayon pa kay Aguilar, fabricated ang ulat na nagtamo ng mga saksak sa katawan ang mga biktima.

“They are too good and fast in fabricating stories,” aniya.

Ayon kay Palabay, si Acosta ay nasa Kabankalan City upang magsagawa ng konsultasyon sa sitwasyon ng mga magsasaka at magbahagi ng ulat tungkol sa
Comprehensive Agreement on Social and Economic Reforms (CASER).

“The reported killing of Acosta and Jimenez violates the NDFP-GRP Comprehensive Agreement on the Respect for Human Rights and International Humanitarian Law, as well as Republic Act No. 9851 on crimes against IHL, genocide and other crimes against humanity, which protect the rights of both civilians and parties to an armed conflict,” pahayag ni Palabay.

Nanawagan naman sa mga awtoridad ang KARAPATAN na igalang ang karapatan ng mga pamilya ng nasawi at ang kanilang mga legal representatives.

“Karapatan expresses our condolences to the families of Acosta and Jimenez, and we are one with them in their call for justice. State forces in the communities should be pulled out, with numerous reports of IHL violations of State forces that have not been addressed in the past.” RNT/JGC