Pagkamatay ng OFW sa Qatar resort kinumpirma ng DFA

Pagkamatay ng OFW sa Qatar resort kinumpirma ng DFA

December 9, 2022 @ 9:23 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Huwebes, Disyembre 8 ang pagkamatay ng isang lalaking Pinoy na nagtatrabaho sa resort sa Mesaieed, Qatar.

Ayon sa DFA, nagpapatuloy na ang imbestigasyon kasama ng Embahada ng Pilipinas sa Doha.

“They will remain in contact with the next of kin of the deceased as they work for the earliest repatriation of his remains,” ani DFA Deputy Assistant Secretary Gonar Musor.

“Out of respect to the family, we are not providing more details at this time.”

Samantala, nagpaabot na ng pakikiramay at panalangin ang pamahalaan sa pamilya ng biktima.

Sa ulat, sinabi na nasawi ang lalaki habang nagsasagawa ng repair sa isang resort na ginagamit umano bilang training base sa Saudi Arabia national team sa World Cup.

Ayon naman sa online sports publication na The Athletic, ang Pinoy ay nasawi sa isang forklift truck accident nang madulas ito habang naglalakad sa gilid at tumama ang ulo sa semento. RNT/JGC