Pagkasawi ng OFW sa Qatar World Cup iniimbestigahan na

Pagkasawi ng OFW sa Qatar World Cup iniimbestigahan na

December 9, 2022 @ 6:45 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Sinabi ng pamahalaan ng Qatar na iniimbestigahan na nila ang pagkamatay ng isang Filipino migrant worker.

Ito ang sinabi ng isang opisyal nitong Huwebes, Disyembre 8 kung saan napaulat na mayroon umanong isang lalaking Pinoy ang nasawi sa isang training base kasabay ng isang football tournament.

Unang naiulat ng The Athletic sports website nitong Miyerkules, Disyembre 7 ang pagkasawi ng lalaki na nasa edad 40-anyos.

Sa impormasyon ay nahulog sa isang rampa habang nag-aayos ng ilaw sa isang resort na ginagamit bilang training base ng national football team ng Saudi Arabia ang naturang lalaki.

Dagdag pa ay napag-alaman na wala rin itong suot na harness.

“The incident is being investigated by the Qatari authorities,” anang Qatari government official.

“If the investigation concludes that safety protocols were not followed, the company will be subject to legal action and severe financial penalties,” dagdag pa niya.

Tinututukan na rin ng Department of Foreign Affairs ng Pilipinas at ng embahada nito sa Doha ang naturang kaso.

Nagpaabot naman ng pagkalungkot at pakikiramay ang governing body ng FIFA sa pagkamatay ng manggagawang Pinoy sa World Cup.

“As soon as FIFA was made aware of the accident, we contacted the local authorities to request more details,” saad sa pahayag.

Dinepensahan naman ng mga organizer ng nasabing palaro na Supreme Committee for Delivery and Legacy, na ang lugar na pinangyarihan ng aksidente ay hindi sakop ng kanilang hurisdiksyon.

Wala rin sa ilalim ng remit, ang nasawing Pinoy na isang contractor. RNT/JGC