Pagkasawi ni ex-Speaker Belmonte, fake news-QC mayor

Pagkasawi ni ex-Speaker Belmonte, fake news-QC mayor

August 5, 2022 @ 6:31 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Mariing pinabulaanan ni Quezon City Mayor Josefina “Joy” Belmonte ang kumakalat na balita na yumao na ang kanyang ama na si  dating Quezon City Mayor at ex-House Speaker Sonny Belmonte.

Ayon sa alkalde, buhay na buhay ang kanyang ama at walang katotohanan na ito ay sumakabilang buhay na.

Magugunita na isang website ang naglabas ng larawan na may petsa ng kapanganakan nito na Oktubre 2, 1936 at Ang petsang August 4, 2022 na di umano ay kamatayan ni SB na kaagad na kumalat sa social media.

Kaugnay nito, sinabi ng anak ng dating Alkalde na mag-ingat ang publiko sa pagsagap ng ganitong mga impormasyon at huwag magpakalat Ng hindi kumpirmadong balita.

Nagpasalamat din  ang alkalde sa mga mamamayan at mamamahayag  na magberipika muna bago maglabas o magbahagi  ng naturang pekeng balita. Jan Sinocruz