Pagkastigo ng US kay Quiboloy, sinalag ng kampo

Pagkastigo ng US kay Quiboloy, sinalag ng kampo

December 11, 2022 @ 8:39 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Sinupalpal ng mga abogado ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder at pastor Apollo Carreon Quiboloy nitong Sabado, Disyembre 10 ang alegasyon ng human rights abuse ng US Department of the Treasury-Office of Foreign Assets Control laban sa kanya.

Sa pulong balitaan, sinabi ni Atty. Manny Medrano na ang pahayag ng US Treasury Department ay “outrageous grandstanding and utter politics by the US government.”

“This document presents an act as if the pastor has been convicted. They are mere allegations that we submit are false and they are not true. The pastor has not been convicted of anything and that is why this is so outrageous, based on mere allegations,” ani Medrano.

Dinungisan din umano ng naturang dokumento ang mabuting pangalan ni Quiboloy na inialay na ang buong buhay para sa Diyos, bayan at kapwa sa buong mundo.

“I am an American. I love my country. But today, I am embarrassed. How can a country like the US, with that rich history of protecting rights and due process, issue a press release like this?” aniya.

Matatandaan na sa isang statement ay sinabi ng US Department of the Treasury na kabilang si Quiboloy sa mahigit 40 indibidwal at grupo na sangkot sa korapsyon o human rights abuse sa siyam na bansa.

Kasama pa rito ang ulat na isang babae umano ang pinipilit ni Quiboloy na makipagtalik isang beses isang linggo kahit na menor-de-edad pa ito.

Sinabi rin ng OFAC na sangkot din si Quiboloy sa iba’t ibang uri ng physical abuse kung saan personal pa nitong sinasaktan ang mga biktima at ipinadadala sa “Upper Six”, isang walled compound para sa mga pinarurusahan.

Sinegundahan naman ng isa pang abogado ni Quiboloy na si Ferdinand Topacio ang sinabi ni Medrano.

“I am confident with the quality of legal representation the pastor has, this injustice will be set right at soonest possible time,” sinabi ni Topacio. RNT/JGC