Pagkawala ng 4 aktibista pinaiimbestigahan sa Kamara

Pagkawala ng 4 aktibista pinaiimbestigahan sa Kamara

August 31, 2022 @ 12:48 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Kasuoud ng pag-obserba sa International Day of Vitims of Enforces Disappearances, isang panukala ang inihain kahapon sa Kamara ng Gabriela Partylist na humihiling na magsagawa ng House Inquiry sa pagkawala ng apat na aktibista.

Sa House Resolution 86 na inihain ni Partylist Rep Arlene Brosas sinabi nito na dapat tignan ng mambabatas ang extrajudicial arrest at detention ng mga aktibista partikular ang kaso nina Elizabeth “Loi” Magbanua,  Alipio “Ador” Juat, Elgene Mungcal at Ma. Elena “Cha” Cortez Pampoza.

“Loi and Ador are staunch labor rights advocates who organized and helped workers who have experienced the worst forms of exploitation by abusive big companies.We hope that the House Committee on Human Rights can immediately hear our resolution to investigate this case and hopefully help the victims’ families attain justice,” ani Brosas.

Matatandaan na ang Supreme Court ay una nang nagpalabas ng writ of amparo pabor sa mga nawawalang activists at inatasan na magpaliwanag sina AFP Chief Lieutenant General Bartolome Vicente Baccaro, Defense Secretary Jose Faustino Jr.,  National Intelligence Coordinating Agency Director Ricardo De Leon at Philippine Army Chief Lieutenant General Romeo Brawner Jr.

Sinabi ni Atty Minnie Lopez, legal counsel ng mga biktima na itinanggi ng mga nabanggit na opisyal na nasa kanilang kustodiya ang mga aktibista subalit nagharap na sila ng testigo na magpapatunay na dinukot ang mga biktima.

Kaugnay nito ay naghain na ng petisyon ang Gabriela at Kilusang Mayo Uno (KMU) sa SC na humihiling na payagan sila na mainspeksyon kasama ang Commission on Human Rights ang Camp Aguinaldo sa Quezon City at  Fort Magsaysay para hanapin ang mga nawawalang labor organizers. Gail Mendoza