Pagkawala ng IG posts ni Liza, mahiwaga!

Pagkawala ng IG posts ni Liza, mahiwaga!

February 25, 2023 @ 9:21 AM 4 weeks ago


Manila, Philippines – Nababalot ng hiwaga ang biglang pagkawala ng mga posts at larawan ni Liza Soberano sa kanyang social media account lalo na sa Instagram.

Pag in-access nga raw ang IG account ng aktres ay “no posts yet” ang nakalagay roon.

Tuloy, maraming naglalabasang haka-haka o ispekulasyon sa likod ng misteryosong pagkawala nito.

May mga nagsasabing na-hack ito.

Usung-uso nga naman lately ang mga hina-hack na soc-med accounts ng mga kilalang celebrities.

Kabilang sa mga na-hack ay ang mga Facebook accounts nina Jaclyn Jose at direk Joel Lamangan.

Puwera pa rito ang kaso ni Ivana Alawi na buong YouTube channel niya ay na-wipe out.

May mga humuhula rin na posibleng si Liza na raw mismo ang nag-take down ng kanyang IG para makaiwas sa kanyang mga bashers na walang ginawa kundi magbigay ng mga negatibong komento.

O posible rin daw na ang dahilan why Liza took it down herself ay ang pagre-rebrand niya.

Bahagi raw ito ng career move ni Liza para maging matagumpay ang pag-penetrate niya sa Hollywood.

After all, ‘yun naman daw ang dahilan ng pag-alis niya sa managerial wings ni Ogie Diaz that she opted na si James Reid ang mamahala ng kanyang international career.

Damay rin si James na siyang sinisisi ng mga tagahanga ni Liza sa pagkalaos ng kanilang idolo.

With Liza’s dim career ay nadamay na raw tuloy ang nabuwag nilang loveteam ni Enrique Gil na walang ibang choice kundi makipagsapalaran sa GMA. Ronnie Carrasco III