Pagkawala ng Laguna rights group coordinator biniberipika ng PNP-Eleazar

Pagkawala ng Laguna rights group coordinator biniberipika ng PNP-Eleazar

June 1, 2021 @ 7:06 PM 2 years ago


MANILA, Philippines – Biniberipika ng Philippine National Police (PNP) ang pagkawala ng isang dating Laguna Kabataan Partylist coordinator.

Ito ay batay sa direktiba ni PNP chief Police General Guillermo Eleazar sa Sta Rosa City Police.

Isang linggo nang nawawala si Kemuel Ian Cometa.

Ayon sa Karapatan Timog Katagalugan, kinulong ng pulista si Cometa matapos halughugin ang bahay nito sa Barangay Macabling nitong Mayo 21.

Itinanggi naman ng Sta. Rosa City Police ang alegasyon ng grupo.

Pinagpipresenta naman ng ebidensya ng PNP chief upang mapatunayang nasa kostudiya ng pulisya si Cometa.

“We need to talk to the parents of Kemuel and establish if he is really missing and, if verified, find leads to his possible whereabouts,” ani Eleazar.

“We are ready to help in the search if he really has been missing for more than a week,” dagdag nito.

Nanawagan din ang PNP chief sa mga kaibigan ni Cometa makipagtulungan sa pulisya.

Aniya pa na prayoridad ng PNP ang paghanap kay Cometa. RNT/ELM