Pagkawala ng memorya, hirap magpokus, epekto ng mild COVID – pag-aaral

Pagkawala ng memorya, hirap magpokus, epekto ng mild COVID – pag-aaral

January 21, 2022 @ 7:23 AM 7 months ago


LONDON – Ang mga indibidwal na tinamaan ng mild COVID-19 na hindi nakaranas ng “long COVID” symptoms ay nakaranas naman ng problema sa atensyon at sa memory ana tumatagal ng anim hanggang siyam na buwan, ayon sa pag-aaral ng Oxford University sa Britanya.

Sa nasabing pag-aaral natuklasan na nagkakaroon ng cognitive issues ang mga tinamaan ng mild COVID na nakaaapekto sa konsentrasyon kasama na ang pagkalimot ng isang indibidwal.

Kalahok sa pag-aaral ang 136 nagpositibo sa COVID-19 na hindi nakaranas ng tradisyunal na long COVID symptoms kung saan isinabak sila sa isang pagsusulit na sumusukat sa kanilang memorya at pag-iisip.

Dito natuklasan ng gma mananaliksik na nahirapan ang mga kalahok na maalala ang ilan nilang mga personal na experience, na tinatawag na episodic memory, ng hanggang anim na buwan matapos na mahawaan.

Natuklasan din ang malaking kabawasan sa kanilang abilidad na maging pokus kumpara sa mga hindi pa nagkaka-COVID.

“What is surprising is that although our COVID-19 survivors did not feel any more symptomatic at the time of testing, they showed degraded attention and memory,” ani  Dr Sijia Zhao of the Department of Experimental Psychology, University of Oxford.

“Our findings reveal that people can experience some chronic cognitive consequences for months.”

Sa kabila nito, bumalik naman umano ang episodic memory at maging ang attention span ng mga kalahok sa normal matapos ang anim hanggang siyam na buwan, base sa pagkakasunod. RNT