PAGKILALA AT CASH PRIZE SA MGA NANALO SA DIGITAL POSTER MAKING

PAGKILALA AT CASH PRIZE SA MGA NANALO SA DIGITAL POSTER MAKING

March 16, 2021 @ 12:20 AM 1 year ago


SA mga lumahok sa Digital Poster Making Contest ng National Water Resources Board (NWRB) na may temang, Valuing Water: “#Water2Me”, kung saan ipinakita ang kahalagahan ng tubig at para mapalaganap sa isipan ng bawat isa, ang responsableng paggamit ng tubig sa ating pang-araw-araw na buhay.

Ang nilalaman ng inyong Digitel Poster ay nagpapakita ng mga sumusunod:

Ang tubig ay nangangahulugan ng iba’t ibang bagay sa iba’t ibang tao.

Ito ay tungkol sa anong paraan ng tubig sa inyo.

Kung paano at bakit mahalaga ang tubig sa iyong bahay (home) at sa buhay pamilya (family life), inyong pang araw-araw na buhay (livelihood), inyong nakasanayan kultural gawain (cultural practices), iyong pamamaraan (well being), at sa inyong local environment.

Sa pamamagitan ng pagtatala at pagdiriwang ng lahat ng iba’t ibang mga paraan na nagpapakita na tayo ay nakikinabang sa tubig sa ating buhay, maaari nating pahalagahan nang maayos ang paggamit ng tubig at mapanatili itong mabisa para sa lahat

Mga Kriterya sa paggawa ng Digital Poster

30% – may kaugnayan sa tema ng Valuing Water: “#Water2Me”

30% – orihinalidad at pagiging natatangi

25% – Aesthetic appeal

10% – may pinakamaraming “Likes” sa NWRB FB page

5% – paglalarawan sa ginawang Digital Poster

Total rating – 100%

1. Ang mga kalahok sa digital poster na nakakuha ng pinakamataas na average rating ay isinama sa mga pipilin ng mga hurado.

2. Ang mga hurado / judge ay pipili ng tatlong nanalo mula sa lahat ng mga naisumite na entries at bibigyan ng pagkilala at mga premyo.

3. Ang mga mananalo ay makatatanggap ng gantimpalang salapi at Certificate of Appreciation

Unang gantimpala P5,000.00

Pangalawang gantimpala P3,000.00

Pangatlong gantimpala P2,000.00

Ang mga nagwagi na kalahok ay aabisuhan ng NWRB sa pamamagitan ng email o magpapadala ng text message sa kanilang mobile number at ipo-post ng NWRB sa kanilang website at facebook page.

Lahat ng mga kwalipikadong kalahok ay bibigyan ng Certificate of Appreciation. Sa mga nanalong kalahok, ipadadala ng NWRB ang mga premyo sa mga kalahok pagkatapos ng masusing pag-verify.

Abangan sa susunod na kolum ng inyong lingkod, kung sino-sino ang nagwagi sa Digital Making Contest. Congratulations sa mga winner!