Pagkilala, pakikidalamhati sa pagpanaw ni ex-Japanese Prime Minister Shinzo Abe aprub sa Senado

Pagkilala, pakikidalamhati sa pagpanaw ni ex-Japanese Prime Minister Shinzo Abe aprub sa Senado

July 28, 2022 @ 8:20 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Pormal na inaprubahan ng Senado ang isang resolusyon na nagpapahayag ng pakikidalamhati at pakikiramay sa mamamayan ng Japan sa pagpanaw ng dating Prime Minister Shinzo Abe.

Sa ginanap na sesyon nitong Miyerkoles, inaprubahan ng Senado ang Senate Resolution NO. 10 na inawtor ni Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri kasama ang SRNs 28 at 60 na inawtor nina Senador Lito Lapid at Senate President Pro-Tempore Loren Legarda, ayon sa pagkakasunod-sunod.

Naging co-author din ang lahat ng miyembro ng Mataas na Kapulungan sa naturang resolusyon.

Ibinigay ang kopya ng resolusyon kay Japanese Ambassador to the Philippines Koshikawa Kazuhiko, na nandoon sa Senado upang personal na tanggapin ang dokumento. Magbibigay din ng katulad na kopya ang Senado sa kabiyak ng dating punong ministro, si Madame Abe Akie.

Sa kanyang sponsorship speech, pinuri ni Zubiri ang hindi matatawarang kontribusyon ng Japan sa maraming sektor sa Pilipinas kabilang ang transportation, agriculture, health, at peace and order, na pinangunahan ng liderato ni Abe.

“Prime Minister Abe was an exceptional leader whose impact was felt not only in Japan but in our country as well. He was a very good friend to the Philippines and it was under his leadership that Japan and the Philippines were really able to strengthen our bilateral relationship,” ayon kay Zubiri.

“We will forever regard him as a dear friend and ally of the Filipino people. Maraming salamat, and again our deepest condolences to the family of Prime Minister Shinzo Abe,” dagdag ng Senate President.

Bukod kay Zubiri, naghandog din ng pagkilala at pagkilala sa masasayang karanasan nila kay Abe sina Senate President Pro Tempore Loren Legarda, Majority Leader Joel Villanueva and Senators Bato Dela Rosa, JV Ejercito, Pia Cayetano, Mark Villar, at Sonny Angara na itinuring nilang “dear friend” na na may tunay na pagpapahalaga sa mamamayang Filipino.

“When former President Duterte was elected President, Prime Minister Abe was the first foreign leader to visit the Philippines, surely not only to strengthen ties between the Philippines and Japan, but also to enjoy the life that our country has to offer,” ayon kay Dela Rosa sa kanyan bg co-sponsorship speech.

“In behalf of the Filipino people, we thank him for the close relations he built with our countries. In this august chamber, we wish to honor an exemplary leader, a friend of our nation, Prime Minister Shinzo Abe of Japan,” giit naman ni Legarda.

Napaslang si Abe ng isang suspek habang nagsasalita sa isang political event sa Nara City, Nara Prefecuture, Japan. Si Abe ang may pinakamahabang panahon ng pagsisilbi bilang punong ministro ng Japan.

“His death has sent waves of shock and concern across the globe, prompting messages of sympathy from notable and prominent world leaders and personalities alike,” ayon sa resolusyon. Ernie Reyes