Pagkilala sa mga handicapable media, inilunsad ng National Press Club

Pagkilala sa mga handicapable media, inilunsad ng National Press Club

July 31, 2018 @ 5:12 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Sa kauna-unahang pagkakataon ay inilunsad ng National Press Club (NPC) ang pagkilala sa mga Handicapable Journalist and Social Servants ngayong hapon.

Ito ay sa pakikipagtulongan ng Philippine Amusement  and Gaming Corporation  (PAGCOR) at National Commission on Culture and Arts (NCAA).

Ayon kay NPC Vice President Paul Gutierrez, layon ng Apolinario Mabini Award  na mabigyan ng pagkilala sa kontribusyon sa industriya at katangiang ipinamalas ang kakayahan  ng mga media na miyembro ng NPC sa kabila ng kanilang mga kapansanan.

Kabilang sa tumanggap ng award  sina Jarius Bondoc, columnist ng Philipine Star; Don Greggy Licaros III, wheelchair Observer columnist/broadcaster; Joven Custodio ng Manila Times; Jonjon Reyes, photographer ng Journal Group of Companies at Dennis Fetalino, dating NPC director.

Guest of Honor naman sa pagbibigay-parangal si PAGCOR Chairperson Andrea Domingo na bagamat hindi nakarating ay nagpadala naman ng kinatawan sa katauhan  ni Asst.Vice President for Corporate Communication Carmelita “Twinkle” Valdez.

Dumalo rin ang ilang opisyal ng NPC na sina Lydia Bueno, Secretary; Mina Navarro, Treasurer; Boying Abasola, Auditor at mga Directors na sina Aya Yupangco, Madelyn Dominguez, Nats Taboy at Benedict Abaygar.

Sa kanyang mensahe na binasa ni Valdez, sinabi ni Domingo na isang malaking halimbawa ang mga PWD’s dahil sa ipinapakita nilang dedikasyon at pagsisilbing role model sa kabila ng kanilang kapansanan ay hindi ito naging hadlang upang gampanan ang kanilang mga pinagdaraanan.

Ang Apolinario Mabini Award  para sa Handicable Journalist and Social Servants ay bahagi pa rin ng pagdiriwang ng PWD’s week ngayong buwan ng Hulyo. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Binigyan ng plaque of appreciation ang mga natatanging mamamahayag na ginagampanan ang kanilang trabaho kahit na may kapansanan na sina Mr. Jarius Bondoc, Columnist, Philippine Star, Don Greggy Licaros III, Wheelchair Observer Columnist/Broadcaster, at Jonjon Reyes, Photographer Journal Group of Companies sa paglulunsad ng NPC-PAGCOR-NCCA Apolinario Mabini Award na ginanap sa NCCA Auditorium, Gen Luna St., Intramuros, Manil at dinaluhan ng mga opisyal ng National Press Club.  Kuha ni Jojo Rabulan

REMATE FILE PHOTO | JOJO RABULAN

 

REMATE FILE PHOTO | JOJO RABULAN