Pagkuha ng NBI clearance pwede na ulit sa main office

Pagkuha ng NBI clearance pwede na ulit sa main office

July 11, 2022 @ 11:33 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Maari nang magtungo sa National Bureau of Investigation sa main office ang may mga transaksyon sa clearance sa U.N. Avenue sa Maynila.

Kasunod ito ng inilabas na anunsyo ng National Bureau of Investigation (NBI) na ang Clearance Processing at lahat ng Satellite Offices nationwide ay na-restore o naibalik na .

Ayon sa NBI, ito ay fully operational simula ngayong araw, Hulyo 11.

“The National Bureau of Investigation is pleased to inform the public that the Clearance Processing in the NBI Main Building along U.N. Avenue Manila and in all Satellite Offices nationwide has been restored and will be fully operational beginning tomorrow, Monday, July 11, 2022.” ayon sa abiso ng bureau.

Maalala na inanunsyo ng ahensya na pansamantalang hindi available ang NBI clearance system sa kanilang tanggapan sa Maynila at pinayuhan ang publiko na magtungo na lamang ang publiko sa pinakamalapit na satellite offices para sa kanilang transaksyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden