Pagkuha ng passport sisimplehan-DFA

Pagkuha ng passport sisimplehan-DFA

August 12, 2022 @ 7:12 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Inilatag ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang simpleng pamamaraan para paghusayin ang kasalukuyang appointment system para mapabilis ang proseso ng pasaporte.

Naging partikular ang DFA sa kaso na nagkakaroon ng ‘errors” sa pag-fill up ng forms, mapipigilan ng kasalukuyang sistema ang “corrections on-site” dahilan para ang aplikante ay muling mag-apply para sa pangalawang pagkakataon.

“This is something that has immediately caught our attention and I thought we have to address this quickly. And lastly, I have already made instruction to start the process of simplifying this, allowing the system to make that correction on the spot based on the documents that are presented,” ayon kay Foreign Affairs Assistant Secretary for Consular Affairs Henry Bensurto Jr.

“This could take time, but the system would be fixed no later than October 2022,” ayon kay Bensurto.

Sinabi pa ng opisyal na tinitingnan ng ahensiya ang iba pang estratehiya para ma-accommodate ang mas maraming aplikante kabilang na ang “loading additional appointment slots and establishing more temporary offsite passport services centers and consular offices.”

Sa mga susunod na araw ani Bensurto ay pasisinayaan nila ang bagong consular office sa Kidapawan, ito ang pang- 36 na consular office sa iba’t ibang panig ng bansa.

“Obviously, when we look at the system, there are short-term things that you can do, medium-term, and there’s also the long-term. And so we continue to assess the long-term strategy on how to simplify this and we continue to do that, with the end in view that we can make that process more efficient,” aniya pa rin. Kris Jose