Pagkuha sa OAV results sa ilang lugar sa Tsina, pinag-aaralan ng Comelec

Pagkuha sa OAV results sa ilang lugar sa Tsina, pinag-aaralan ng Comelec

May 15, 2022 @ 9:45 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Inihayag ng Commission on Elections (Comelec) nitong Sabado na pinag-aaralan nito kung paano makukuha ang resulta ng overseas absentee voting (OAV) sa Hong Kong, Macau, at iba pang parte ng China sa kalagitnaan ng pagsirit sa COVID-19 cases doon. 

“Pinag-aaralan na ng NBOC (National Board of Canvassers) kung paano na maipauuna maipadala ang resulta ng halalan for Hong Kong, Macau, and other parts of mainland China to exclude Shanghai,” ani acting Comelec spokesperson Rex Laudiangco sa isang press briefing.

“So ito po ay kasalukuyang inaaral na kung paano gagawin para mas mapatuloy natin ang canvassing in those areas concerned,” dagdag niya.

Nauna nang siniguro ni Laudiangco na itutuloy ang eleksyon sa Shanghai sa kabila ng COVID-19 surge that kung saan inilagay sa lockdown ang halos 25 milyong residente nito sa loob ng ilang linggo.

Sinuspinde rin ng Comelec ang OAV sa Shanghai, itinuturing na “epicenter” ng pinakamalalang  COVID-19 sa China.

“Kasi yung Shanghai hindi natin masabi eh hindi nga po natin malaman in the next few weeks or the next month so gagawan na ng paraan para mauna na,” sabi ni Laudiangco.

Hindi bababa sa 10 Pilipinos ang isinailalim sa  quarantine sa Shanghai noong isang buwan makaraang magpositibo sa COVID-19. RNT/SA