Pagkumpirma kay Estrella inendorso ng CA committee

Pagkumpirma kay Estrella inendorso ng CA committee

September 27, 2022 @ 12:04 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Inendorso ng Commission on Appointments (CA) committee on agrarian reform nitong Martes ang kumpirmasyon ng ad interim appointment ni Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III.

Ang rekomendasyon ay ginawa matapos na ikasa ni Senador JV Ejercito ang pag-endorso ng appointment ni Estrella sa plenaryo ng CA. Ito ay pinangunahan ni Pangasinan 5th District Representative Ramon Guico Jr.

Bago ito, nagpahayag ng suporta sina Senators Cynthia Villar at Francis Tolentino at Congressman Rodante Marcoleta sa kumpirmasyon ng appointment ni Estrella.

Sa pagdinig ng panel ng CA, sinabi ni Estrella na wala siyang tutol sa anumang land conversion hangga’t hindi nadidiligan ang kinauukulang lupain.

Ang posisyon na ito ay naaayon sa utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

“I have no objection so long as the land to be converted is not irrigated because that is the instruction of the president. If it irrigated or irrigable, do not convert,” anang kalihim.

“Now, if it is in the highly-urbanized areas and already ripe for commercial or residential or industrial purposes, which will open up or create additional employment and business and livelihood opportunities for our people, why not?” dagdag pa ni Estrella. RNT