Pagkumpleto sa Yolanda housing ‘di na namin paabutin ng 10 taon-NHA

Pagkumpleto sa Yolanda housing ‘di na namin paabutin ng 10 taon-NHA

November 9, 2022 @ 8:00 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Makalipas ang siyam na taon, muling nangako ang National Housing Authority (NHA) na tatapusin ang pagtatayo ng natitirang 35,000 housing units para sa mga survivors ng Super Typhoon Yolanda sa 2023.

“Hindi na namin paaabutin ng 10th year anniversary ng Yolanda, dahil next year tapos na ang construction ng mga housing units,” ani NHA general manager Joeben Tai sa komemorasyon ng ika-siyam na anibersaryo ng pananalasa ng super typhoon.

Sinabi ng NHA na may kabuuang 165,282 out of units ang naitayo at 211 projects ang nai-turn over sa local government units (LGUs).

Nakikipag-ugnayan ang NHA sa mga LGU para mapabilis ang pagkumpleto ng pangako nitong magtayo ng 209,218 na bahay para sa mga pamilyang apektado ng Yolanda.

Ayon sa NHA, ang pagkaantala ay dulot ng pagkahuli sa pag-isyu ng mga permit, clearance, at lisensya mula sa mga LGU, kakulangan ng manggagawa, at ang pagpataw ng mga quarantine protocol at lockdown.

Noong 2013, iniwan ni Yolanda ang 6,300 patay at mahigit isang libong tao ang nawawala. Isa ito sa pinakamalakas na bagyong tumama sa bansa. RNT