Pagkuwestiyon ni Trump sa katalinuhan ni LeBron, Michael Jordan to the rescue

Pagkuwestiyon ni Trump sa katalinuhan ni LeBron, Michael Jordan to the rescue

August 5, 2018 @ 10:39 AM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Dinipensahan ng NBA legend na si Michael Jordan at iba pang atleta sa US ang NBA star na si LeBron James matapos kuwestyunin ni US  President Donald Trump ang katalinuhan nito sa isang tweet kahapon (August 4)

“I support LJ. He’s doing an amazing job for his community,” ayon kay Jordan, ngayon ay may-ari ng National Basketball Association’s Charlotte Hornets, sa isang panayam.

Nag-ugat ang komento ni Jordan sa tweet ni Trump na:

“Lebron James was just interviewed by the dumbest man on television, Don Lemon. He made Lebron look smart, which isn’t easy to do. I like Mike!”

Tinutukoy ni Trump ang isang panayam kay James ilang araw lang matapos buksan ng basketbolista at ng kaniyang foundation ang isang public school para sa mga nangangailangang bata sa Akron, Ohio.

Maging ang asawa ni Trump ay sumusuporta sa ginawa ni James para sa mga bata.

“It looks like LeBron James is working to do good things on behalf of our next generation and just as she always has, the First Lady encourages everyone to have an open dialogue about issues facing children today,” sabi ni Melania Trump sa isang statement na inilabas ng kaniyang tagapagsalita.

Dumipensa rin si NBA player Karl-Anthony Towns at sinabi sa kaniyang tweet, “So let me get this straight: Flint, MI has dirty water still, but you worried about an interview about a man doing good for education and generations of kids in his hometown?”  Remate News Team