Pagkuwestyon sa anti-terror law karapatan ng publiko – Guevarra

Pagkuwestyon sa anti-terror law karapatan ng publiko – Guevarra

July 14, 2020 @ 8:54 AM 4 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Iginiit ni Justice Secretary Menardo Guevarra na may karapatan ang bawat mamamayan na kuwestiyunin ang anti-terrorism law sa Korte Suprema.

Ito ang ipinahayag ni Guevarra makaraang ihain ang ika-walong petisyon sa Korte Suprema ng Sanlakas, kung saan kinukwestiyon nito ang Anti-Terrorism Act of 2020 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“It is the right of every citizen to question an act of the legislature that he thinks is contrary to the fundamental law of the land,” ayon kay Guevarra.

Sa kabilang dako, sinabi naman ni Guevarra na “bounden duty” ang Korte Suprema upang matukoy nang may exactitude ang constitutional limits ng kapangyarihan ng bansa.

“This right and duty are at the very heart of all the petitions filed in relation to the anti-terrorism law.” saad pa ni Guevarra.

Naunang pinakokomento ng SC ang ehekutibo sa mga petisyong kumukwestiyon sa legalidad ng naturang batas.

Ilan sa mga isyu ng mga petitioner ay ang kapangyarihan ng Anti-Terrorism Council, probisyon sa uri ng pananalita at ekspresyon, surveillance, at pagkakakulong. RNT/MM


  •  
  •  
  •  

Loading...