Paglabas ng mga paslit, oks sa OCTA

Paglabas ng mga paslit, oks sa OCTA

July 13, 2021 @ 7:30 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Aprub para sa OCTA Research ang desisyon ng Inter-Agency Task Force on COVID-19  ng pagpapalabas ng limang anyos sa kabila ng pandemya sa COVID-19.

Ayon sa grupo na suportado nila ang hakbang pero iginiit na dapat ay isasagawa ito “with caution.”

“Sinusuportahan ng OCTA as a group iyong hakbang ng gobyerno pero sinusuportahan namin ito with caution kasi nga kailangan ho talaga may mga iba pa tayong kailangan i-establish,” ani Professor Ranjit Rye, Martes.

“May consensus kami na okay ‘tong idea na ‘to as long as may guidelines tayo na susundan across the city, lalo iyong sa National Capital Region na ma-ensure iyong safety po ng ating mga kids po ‘no. Ang importante po dito iyong siguraduhin na susundan natin, ma-monitor at ma-enforce iyong minimum public health standards,’ dagdag pa ni Rye.

Suhestyon ng OCTA ang paglalagay ng handwashing facilities sa mga lugar na papayagan ng gobyerno na pasyalan ng mga bata.

Ayon kasi sa Metro Manila Council na binubuo ng Metro Manila mayors na maglalabas sila ng mga listahan ng mga lugar na maaring bisitahin ng mga bata sa kanilang nasasakupan. RNT