Paglagay kay Cascolan sa DOH, dinepensahan ni PBBM

Paglagay kay Cascolan sa DOH, dinepensahan ni PBBM

October 26, 2022 @ 2:48 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nagpaliwanag si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa ginawa nitong pagtatalaga kay retired PNP Chief General Pancratius Cascolan bilang Undersecretary ng Department of Health (DoH).

Sinabi ng Pangulo na kaya niya itinalaga bilang Usec for Special Concern si Cascolan ay upang tingnan ang takbo sa DOH na may kinalaman sa structural changes kasama na ang rightsizing.

Sa ambush interview kay Marcos, sinabi nito na hindi kailangang doktor ang ilagay sa nabanggit na posisyon.

“Well, si Gen. Cascolan we put him there because he has to look at, hindi naman sya, of course he’s not a doctor and it’s not health issues that he has to look at that’s why he doesn’t have to be a doctor. He’s going to look at the function of the DOH. We talk about rightsizing, we talk about structural changes. Yun. We need somebody toe xamine what has been going on, ano yung maganda, ano ang hindi maganda, ano ang pwedeng mas maayos, that will be his function kaya special concerns,” paliwanag ng Pangulo.

Ayon pa sa Chief Executive, titingnan ni Cascolan kung ano ang maganda at mga dapat ayusin sa DoH.

Sinabi pa nito na bahagi rin ng magiging trabaho ni Cascolan ang tuntunin o hanapin ang posibleng sindikato sa ahensya na kasama sa procurement o pagbili sa ilang produkto na naging malaking problema sa nakalipas.

“That’s part of his work. kung me lumabas na ganyan hell have to report it to us then we;ll have to do something about it. But generally it is an administrative audit, if you want to call it that,” aniya.

Samantala, ipinaliwanag din ni Marcos ang pagtatalaga nito kay Paul Soriano, asawa ng aktres at TV host na si Toni Gonzaga bilang Presidential Adviser for Creative Communicartions.

“Yung kay Paul Soriano, people have misunderstood. He’s not there to be part for the PR machine. He’s there to find ways to promote the creative industry. kasi don sya galing e.” ayon sa Pangulo sabay sabing “So pinagmamalaki, kasama yan sa tourism. pinagmamalaki natin, ang gagaling kumanta ng Pilipino, magaling umarte, ang gagaling gumawa ng sine etc etc. We have to project that to the rest fo the world. yan ang trabaho ni paul I hope that clarifies that.” Kris Jose