Paglago ng ekonomiya, ‘di lang sa math nasusukat – Pimentel

Paglago ng ekonomiya, ‘di lang sa math nasusukat – Pimentel

September 7, 2022 @ 1:23 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Inihayag ni Senador Aquilino “Koko” Pimentel III kamakailan na hindi lamang sa numero nasusukat ang paglago ng ekonomiya, bagkus dapat Makita din kung nabibigyan ng benepisyo ang buong populasyon.

Sa ginanap na deliberasyon ng Concurrent Resolution No. 3, hiniling ni Pimentel kay Finance committee chairman Sonny Angara, isponsor ng resolusyon, na ilatag ang economic figures ng bansa sa pagsisimula ng Marcos administration.

Sinusuportahan ng Concurrent Resolution No. 3 ang medium-term fiscal framework ng gobyerno mula 2022 hanggang 2028 na natuon sa pagkamit ng short-term macro-fiscal stability habang nananatiling sumusuporta sa pagbabangon ng ekonomiya at pagtataguyod ng medium-term fiscal sustainability.

Ilang sa tinutudla ng 2022-2028 MTFF ay:

  • 6.5 to 7.5% real Gross Domestic Product (GDP) growth sa 2022; 6.5 hanggang 8% real GDP growth annually sa 2023 hanggang 2028;

  • 9% (i.e., single digit) poverty rate pagsapit ng 2028;

  • 3% national government deficit to GDP ratio sa 2028;

  • Hindi bababa sa 60% national government debt-to-GDP ratio sa 2025; at

  • $4,256 income per capita attainment ng upper-middle-income status

“With respect to the national government to deficit ratio, that is the third line, the goal is to achieve a 3% deficit GDP ratio. Currently, we are at 6.3%. I saw we reached 7% at one point in the previous year,” ayon kay Angara.

“As for GNI (Gross National Income) per capita, because they measure it year by year, so at the end of 2021 its $3,643 GNI per capita, with a goal of increasing to $4,256 GNI by 2028,” dagdag ni Angara.

“For the GDP growth, we grew by 5.7% [in 2021]. We grew by 8.2% [during 2022’s first quarter] and for the second quarter we grew by 7.4%. And we hope to achieve 6.5 to 7.5% GDP growth for 2022 and then increase to 6.5 to 8% GDP growth annually between 2023 to 2028 when the Marcos administration steps down,” paliwanag ni Angara.

Sinabi ni Pimentel na nakakamangha ang numerong inilatag kaya’t lumilitaw na maayos na adhikain ang MTFF targers na 6.5 – 7.5% hanggang 6.5% – 8%.

Idinagdag pa ni Pimentel na magsisimulang sumigla ang ekonomiya sa pagsisimula ng Christmans season.

Pero, kahit ikinagagalak niya ang measurable criteria, iminungkahi ni Pimentel na dapat sinasalamin ng data ang distribusyon ng benepisyong pang-ekonomiya.

“At least we made a record start in the Marcos administration and this administration wants to be judged by measurable criteria, we are more scientific in our governance,” ani Pimentel.

“I appreciate such an approach, but subject to my suggestion addressed to our economic managers and to those crafting the MTFF and its updates and revisions to also… sana hindi lang mere mathematical GDP or GNI divided by population equals per capita. It does not reflect the distribution of the economic benefits,” aniya.

Sa intepelasyon, inihayag naman ni Senador Alan Peter Cayetano na dapat ikonsidera din ng Concurrent Resolution No. 3 ang “life-work” balance at mas maraming oras na igugugol sa pamilya.

“Our [economic planners] should also look at time and the opportunity to be with family or to do extracurricular activities, yung the young people would use now – life-work balance,” ayon kay Cayetano.

“Kung if it takes you two to three hours to go to work one way and two to three hours pabalik kahit na mataas ang sweldo mo and quality ang job mo, bumaba ang pamasahe, pero four to six hours ka naman nasa kalye, what is four hours from the time you start working until you retire, di ba napakalaking oras noon?” aniya.

Sumang-ayon naman si Angara ang pananaw ni Cayetano saka sinabing ganito din ang nararanasa ng kanyang sariling staff.

“I completely agree because he is saying that it is just not about money but quality of one’s life, and definitely I cannot argue with that. And I have seen in some of my staffers they can no longer take the two-hour journey from Pasay to Quezon City,” ani Angara.

“So they chose to take a low paying job rather than a high paying job here because then they have a travel time of maybe 20 minutes as opposed to two hours or more,” dagdag ng senador mulang Aurora. Ernie Reyes