Paglago ng ekonomiya, makikinabang lahat – NEDA

Paglago ng ekonomiya, makikinabang lahat – NEDA

January 9, 2023 @ 1:52 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Makikinabang ang bawat Filipino kasabay ng paglago ng ekonomiya ng bansa.

Ito ang sinabi ni National Economic and Development Authority Secretary Arsenio Balisacan nitong Lunes, Enero 9 batay sa kakalabas lamang na Philippine Economy Development Plan.

Nangangahulugan ito ani Balisacan na kasabay ng paglago ng ekonomiya ng bansa ay ang pagpapabuti ng buhay ng mga mamamayan maging ang mga mahihirap sa pamamagitan ng pagbibigay ng mas maraming trabaho.

“We have outlined in our Philippine Economy Development Plan, an economy that is beneficial for all Filipinos. What that means is that growth is accompanied by generation of better and higher quality jobs, not just more jobs but most importantly better and higher quality jobs,” aniya.

“The growth has to be inclusive, associated with improvement in the quality of jobs and low inflation and that way we can raise everybody’s welfare,” dagdag pa ni Balisacan.

Kabilang pa sa Philippine Economy Development Plan ang mga sumusunod:

• Annual GDP growth of 6.5 to 8 percent from 2024 to 2028
• PH to be ranked among top 33 in the global competitiveness index by 2028 (#45 in 2019)
• Lower unemployment rate of 5.3 percent to 6.4 percent in 2024, 4.5 to 5 percent from 2026 to 2028
• Gross national income per capita to be $6,044 to $6,571 by 2028 ($3,640 in 2021)
• Lower poverty incidence rate of 16 to 16.4 this year, 8.8 to 9 percent or single-digit by 2028

Target din sa naturang plano na tugunan ang problema ng inflation na labis na nakaaapekto sa mga mahihirap.

Matatandaan na noong Disyembre ay umabot sa 8.1% ang inflation dulot ng mataas na presyo ng mga gulay partikular na ang sibuyas. RNT/JGC