Paglago ng ekonomiya ng bansa sa 2nd quarter, bumagal sa 6%

Paglago ng ekonomiya ng bansa sa 2nd quarter, bumagal sa 6%

August 9, 2018 @ 10:37 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Bumaba ang Philippine economic growth sa second-quarter ngayong taon, ayon sa tala ng Philippine Statistics Authority ngayong Huwebes.

Sa isang press conference sa Pasig City, sinabi ni National Statistician Lisa Grace Bersales na ang ekonomiya ay lumago lamang ng 6% kumpara sa 6.7% sa kaprehong quarter noong nakaraang taon.

Ayon pa kay Bersales, lumago ng 6.8% ang services sector na sinundan ng industriya na nasa 6.3% at agrikultura na nasa 0.2%. Remate News Team