Paglago ng manufacturing nitong Oktubre, bumagal – S&P Global

Paglago ng manufacturing nitong Oktubre, bumagal – S&P Global

November 2, 2022 @ 6:29 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Bumagal ang paglago sa industriya ng manufacturing nitong Oktubre ayon sa pinakahuling survey ng S&P Global.

Naitala ang 52.6 na puntos sa S&P Global Philippines Manufacturing PMI sa nabanggit na buwan mula sa 52.9 puntos nitong Setyembre, ngunit mas mataas pa rin sa 50.0-threshold.

“While ongoing growth meant firms remained positive overall, supply-side constraints and rising global inflation continued to weigh on the manufacturing sector,” ayon kay S&P Global Market Intelligence Economist Maryam Baluch.

“Anecdotal evidence noted shipping delays, bad weather, and congestion continued to hamper production,” dagdag pa niya.

Batay sa datos, bumilis ang paglobo ng average cost at ang factory gate charge growth ay pinakamabilis din mula noong Enero 2016. RNT/JGC