Paglalabas ng COVID update maaantala – DOH

Paglalabas ng COVID update maaantala – DOH

January 29, 2022 @ 3:47 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Nagpaabiso ang Department of Health (DOH) na maaantala ang paglabas ng case bulletin ngayong araw.

Paliwanag ng DOH sa inilabas na public advisory, ito ay dahil sa kamakailan lamang na technical issues sa COVIDKaya.

Ayon sa DOH, sa halip na alas-4 ng hapon, ilalabas ang pinakahuling datos o case update sa COVID-19 mamayang alas-8 ng gabi.

Sa sandali namang maayos na ang isyu sa teknikal ay maari na muling ibalik sa dating oras ang paglalabas ng mga datos sa COVID-19.

Tiniyak naman ng DOH na inaayos na ng  DICT  ang isyu sa COVID-Kaya. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)