Paglalabas ng telco permit pinabibilisan ng PSAC, ARTA kay PBBM

Paglalabas ng telco permit pinabibilisan ng PSAC, ARTA kay PBBM

December 9, 2022 @ 8:57 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Hinimok ng Private Sector Advisory Council (PSAC) at Anti-Red Tape Authority (Arta) si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na maglabas ng executive order upang pabilisin ang pagproseso sa permit ng mga internet infrastructure project.

Ito ay dahil sa kailangan na rin ng mga Filipino na magkaroon ng mas mabuting internet connectivity.

Sa pahayag, sinabi ng ARTA at PSAC na ang executive order ay gagawing “institutionalize” ang naunang joint memorandum circulars na mag-eexpire sa susunod na taon.

“Since the implementation of the JMCs last July 2020, the nation has seen significant improvement in the number of telco permits approved,” saad sa pahayag.

“It has proven effective in curtailing government red tape and in accelerating the delivery of telecommunications and internet services,” dagdag pa.

“Instead of amplifying preexisting inequalities, the internet and the digital world are valuable assets that all should be able to take advantage of. Infrastructure is the key to making that digital world accessible to every Filipino, across islands, mountains, and streams.”

Naging keynote speaker ang Pangulo sa Telco Summit 2022 nitong Martes, Disyembre 6 kung saan inilabas niya ang saloobin kaugnay ng mababang digital connectivity na mas mababa sa 70%.

“That’s not good enough, especially for an archipelagic country such as ours where connectivity is exceedingly important because we have many isolated communities who need some form of contact, some form of communication with the rest of the country, with the rest of the world,” anang Pangulo.

Sa mga liblib na lugar, ang serbisyo ng internet ay halos kulang o wala. RNT/JGC