Paglalagay ng “abo” sa noo, pwede na ulit sa Ash Wednesday

Paglalagay ng “abo” sa noo, pwede na ulit sa Ash Wednesday

February 28, 2022 @ 8:06 AM 4 months ago


MANILA, Philippines – Sa kauna-unahang pagkakataon sa loob ng dalawang taon ay pahihintulutan na rin ang mananampalataya na tumanggap ng abo sa noo bilang pagsisimula ng Kuwaresma sa Ash Wednesday, Marso 2 sa gitna pa rin ng pandemya ng COVID-19.

Sa inilabas na alituntunin nitong Sabado, sinabi ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na babalik ito sa kaugalian ng relihiyon na paglalagay ng abo sa mga noo sa gitna ng pandemya ng COVID-19.

“The formula for the imposition of ashes ‘Repent, and believe in the Gospel,’ or ‘Remember that you are dust, and to dust you shall return’ is said only once ‘applying it to all in general.’ We will revert to the imposition of ashes on the forehead of the faithful,” saad sa alituntunin na nilagdaan ni CBCP Episcopal Commission on Liturgy Chairman Bishop Victor Bendico.

“The sprinkling of ashes on the crown will remain an option. We have been reminded last year that this option is an ‘opportunity to catechize our people on both the penitential and baptismal characters of the Lenten season,”

Binago ng Catholic hierarchy noong 2020 at 2021 ang Ash Wednesday rites dahil sa COVID-19 pandemic.

Sa halip na maglagay ng krus na abo sa noo ay iwinisik ito sa mga ulo ng mga mananampalataya

Sakaling payagan ang mga relihiyosong prusisyon, sinabi ng CBCP na kailangang magkaroon ng koordinasyon sa lokal na pamahalaan at mga opisyal ng barangay.

“We limit the route of processions through roads or streets that will allow greater possibility for social distancing,”

“Procession marshals are necessary to maintain the safe distance of the participants of the processions,” ayon sa CBCP

Hindi naman inirerekomenda ang paggamit ng “carosas” o “andas” dahil hindi masusiguro na mapapanatili ang social distancing.

Payo ng CBCP , ang mga imahe ay ilagay sa motor vehicle sa halip na dalhin ng mga tao.

Ang iskedyul ng online transmission ng mga pagdiriwang na ito ay dapat na ipaalam sa publiko, idinagdag na ang mga ito ay kailangang maging “live telematic broadcasting, hindi recorded.”

Dagdag pa, ang tradisyunal na “Pabasa” ay ioorganisa sa pagsunod sa health protocols. Jocelyn Tabangcura-Domenden