Paglalagay ng ‘health rating’ sa packaging ng food products, itinutulak ni Tulfo

Paglalagay ng ‘health rating’ sa packaging ng food products, itinutulak ni Tulfo

January 26, 2023 @ 4:34 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Naghain ng panukala si Sen. Raffy Tulfo na naglalayon na gawing mandato ang paggamit ng “health rating system” sa labels ng packaged food products, bukod sa “nutritional facts.” 

Sa ilalim ng Senate Bill No. 1684, dapat na lagyan ang packaging ng food products ng marka na may ratings mula 1 ( least nutritious) hanggang 5 (most nutritious).

Kinakalkula ang rating system batay sa total energy o kilojoules, saturated fat, sodium, sugar content, at fiber. 

Ilalagay ang food rating sa harap ng packaged food product. 

Saklaw ng panukala ang lahat ng packaged food products na ibinebenta sa shops gaya ng grocery stores  maliban sa mga sumusunod:

  • Fresh unpacked food

  • Condiments

  • Non-nutritive foods

  • Single-ingredient foods not intended to be eaten on their own

  • Alcoholic beverages

  • Formulated products for infants and young children

  • Food for special medical purposes

Sinabi ni Tulfo na sa paggamit ng rating system sa labels ng packaged food products magkakaroon ng mas maraming kaalaman ang mga Pilipino ukol sa kinakain nila. RNT/SA