Paglalagay ng hotline para mga biktima ng digital scams ipinanukala

Paglalagay ng hotline para mga biktima ng digital scams ipinanukala

September 15, 2022 @ 12:48 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Iminungkahi ni House Ways and Means Committee Chairman at Albay Rep. Joey Salceda sa National Bureau of Investigation(NBI) at sa mga telecommunication companies na maglagay ng hotline para sa mga mabibiktima ng “digital scams.”

Sa pagdinig ng House Committee on Information and Communications Technology sinabi ni NBI Dir. Vic Lorenzo na mayroong wesbite at hotline na 523-8231 ang NBI para sa mga reklamo gayunpaman hindi sangayon dito si Salceda, aniya, maraming nabibiktima ngunit hindi nakakapagreklamo dahil sa haba ng numero na hindi naman nasasaulo, inirekomenda nito na dapat dalawa lamang ang numero ng hotline para madaling matandaan.

Pabor naman ang mga telecom companies na dumalo sa hearing sa panukala ni Salceda at sinabing makikipagtulungan ito sa NBI para sa pagbuo ng hotline upang agad na matutukan ang mga kaso ng digital scams.

Hinimok din ni Salceda ang NBI na gamitin ang Republic Act No. 8484 o Access Devices Regulation Act of 1998 upang mahabol at mapanagot ang mga nasa likod ng mass text message scams.

“Basically, if smishing attackers are able to access online accounts due to their text scams, they should be guilty of RA 8484, regardless of whether there was a data breach or not,” paliwanag ni Salceda.

“There is legal basis as well as a strong impetus for the NBI and the PNP Cybercrime Division to conduct investigations, even without a finding from the National Privacy Commission or other authorities regarding a breach of data privacy,” dagdag pa nito.

Sa ilaling ng nasabing batas ang mapapatunayang smishing attackers ay maaaring makulong ng 6 na taon hanggang 10 taon at multa na P10,000. Gail Mendoza