Paglalahad ng ‘grand ambition’ ni PBBM para sa Pinas, inaasahan ng solon sa SONA

Paglalahad ng ‘grand ambition’ ni PBBM para sa Pinas, inaasahan ng solon sa SONA

July 22, 2022 @ 2:10 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Inaasahan ng isang mambabatas na isisiwalat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang “grand national ambition” para sa bansa sa una niyang State of the Nation Address sa Lunes.

Ayon kay Albay 2nd District Rep. Joey Salceda, kritikal ang unang SONA ni Marcos dahil hindi ito idinetalye ng Pangulo sa kanyang inaugural address.

“Given the kind of mandate he has, 62 percent, unprecedented in terms of the number, one would really have to expect from President Marcos an articulation of a grand national ambition for where he wants this country [to go],” aniya nitong Biyernes.

Nahalal si Marcos ng mayorya sa May 9 elections matapos makakuha ng 31.1 milyong boto.

“I think in general ‘yung mas expected natin… anong klaseng Pilipinas ang iiiwanan niya sa 2028,” dagdag ni Salceda.

Inihayag din ng mambabatas ang mga plano ni Marcos base sa kanyang Gabinete. Kabilang dito ang paglaban sa kahirapan, pagpapataas sa gross domestic product ng bansa, aat pagpapababa ng national debt.

Kumpiyansa si Salceda na bubuo ang Pangulo ng “desirably ambitious targets for the Philippines.”

Inaasahan din ng chairperson ng House Ways and Means Committee na tatalakayin ng Pangulo ang priority issues kagaya ng paglobo ng infaltion ay pagkakaroon ng mas maraming trabaho.

“He must have very specific programs in order to help those who are being affected by the high inflation,” sabi niya. RNT/SA