Paglalakbay ni Pope Francis ipinagpaliban sa pananakit ng tuhod

Paglalakbay ni Pope Francis ipinagpaliban sa pananakit ng tuhod

June 11, 2022 @ 11:45 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Ipinagpaliban ni Pope Francis ang kanyang nalalapit na paglalakbay sa Democratic Republic of Congo at South Sudan dahil sa patuloy na problema sa tuhod, ayon sa Vatican.

“At the request of his doctors, and in order not to jeopardize the results of the therapy that he is undergoing for his knee, the Holy Father has been forced to postpone, with regret, his Apostolic Journey to the Democratic Republic of Congo and to South Sudan,” sinabi ni Vatican spokesman Matteo Bruni sa isang pahayag.

Ang biyahe, na orihinal na binalak para sa Hulyo 2 hanggang 7, ay muling iiskedyul bagamat wala pang bagong petsa na itinakda.

Ang Papa ay nakararanas ng pananakit ng kanang tuhod kaya naman kinansela ang ilan nitong mga aktibidad – ang nakatakdang biyahe sa Lebanon ngayong buwan ng June ay na-postponed Kadalasan ding nakikitang nahirapang maglakad.

Wala pang sinasabi ang Vatican kung ano ang sanhi ng pananakit ng tuhod ng Santo Papa ngunit ayon sa kanya ay nasugatan ang ligament sa kanyang tuhod. Jocelyn Tabangcura-Domenden