Paglalaro ni Kiefer sa Japan, hinarang ng PBA

Paglalaro ni Kiefer sa Japan, hinarang ng PBA

June 6, 2021 @ 12:59 AM 2 years ago


MANILA, Philippines – Hindi pumayag ang Philippine Basketball Association (PBA) board sa nakatakdang paglalaro ni basketball Phenom Kiefer Ravena sa Japan B.League Shiga Lakestar at sinabing ipatutupad nila ang uniform players’ contract (UPC)  upang maprotektahan ang interest ng NLEX Road Warriors.

Sa ginanap na online board meeting, inanunsyo ng PBA na hindi pwedeng maglaro si Kiefer sa ibang bansa dahil paglabag ito sa pinaiiral nilang UPC.

“The Board has decided that Kiefer has to honor its contract with NLEX and with the PBA . . . So that’s where we are,” ani PBA chairman Ricky Vargas sa online press conference na dinaluhan ni PBA commissioner Willie Marcial at vice-chairman Bobby Rosales.

“It’s decision follows specifically the philosophy of the importance of a contract, which is in Philippine laws is very important, (also) in the PBA and in FIBA.”

Ayon sa ulat, epektibo ang kontata ni Ravena sa NLEX sa susunod na tatlong taon at sinabi ng board na ang pinirmahan nitong kotrata sa Lakestar ay void ab initio o walang bisa sa simula pa lamang.

Sinabi ng board na makikipag-usap ang PBA sa kay Japan B.League president sa pamamagitan ng sulat kaugnay sa naging desisyon.

Idinagdag ni Vargas ipaaabot din nila ang kanilang desisyon sa Samahang Basketbol ng Pilipinas na governing body ng basketball sa bansa.

“We will inform them that this is the decision of the PBA . . . We’ll also inform the SBP that this is our decision and we are sure as a member of the SBP they will respect this decision,” wika ni Vargas.

Una nang nagpaalam si Ravena sa NLEX Road Warriors squad at sa PBA na parang plantsado ang lahat at pwede na itong maglaro sa Shiga Lakestars.

Subalit, kahit may basbas umano ang team ni Ravena sa kanyang paglalaro sa Japan, kailangan pa rin umanong igalang nito ang UPC na pinirmahan nito sa NLEX at PBA.

Ayon kay Marcial, agad niyang kakausapin si Ravena kaugnay sa isyu.

“Ako mismo kakausap kay Kiefer,” ayon sa commissioner.

“Nag-usap kami noong Monday-Tuesday, informal nagbibiruan pa kami. Pero sinabi ko sa kanya Kiefer hindi talaga pwede.”

Kaugnay naman sa posibleng parusa kay Kiefer, sinabi ni Rosalers na hindi muna nila masasagot ito sa ngayon.

“At this point we do not know how FIBA will take this. It is not also timely for us to address a hypothetical question. We’d rather communicate this first to Kiefer,” dagdag ni Rosales. Rico Navarro