Paglalasing ni Markus, dahilan ng hiwalayan nila ni Janella?

Paglalasing ni Markus, dahilan ng hiwalayan nila ni Janella?

May 4, 2022 @ 5:15 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Hiwalay na nga ba sina Janella Salvador at Markus Paterson?

Totoo bang ang paglalasing ni Markus ang umano’y mitsa ng kanilang paghihiwalay?

Kapansin-pansin kasi na sa kanilang respective Instagram accounts, tanging kasama either ni Janella or Markus ay ang kanilang anak na si Jude.

Maging sa kasal ng kaibigan nilang sina Patrick Sugui at Aereal Garcia kamakailan, dumating si Janella with her mom in tow at no-show si Markus.

Ang tsika, the alleged culprit to the breakup ay ang drinking habits ni Markus.

Nag-iiba raw kasi ang behavior nito sa tuwing nasasaniban ng espiritu ng alak.

Nauuwi raw ito sa away ng magpartner na hindi maganda lalo’t nasasaksihan ng kanilang anak.

Kung matatandaan, sinabi ni Janella in an old interview na na-traumatize na siya noon sa boyfriend na manginginom.

Could it be that history is repeating itself?

Payo naman ng ilang nagmamalasakit sa couple, mabuti na raw munang maghiwalay sila temporarily until Markus gets his act together.

For a growing child din daw like Jude, may psychological effect sa bata ang nakikitang nagbabangayan ang kanyang mga magulang.

Worse, baka maibaling pa ni Markus sa anak ang silakbo ng kanyang damdamin. Ronnie Carrasco III