Paglapastangan ni Pangulong Duterte, posibleng maisama na rin sa agenda ng CBCP sa plenaryo

Paglapastangan ni Pangulong Duterte, posibleng maisama na rin sa agenda ng CBCP sa plenaryo

June 26, 2018 @ 3:29 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Kumpiyansa ang isang Catholic archbishop na makakasama na rin sa mga agenda na tatalakayin nila sa nalalapit na plenaryo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa Hulyo, ang mga ginagawang pagbatikos, paglapastangan at pangungutya ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Simbahang Katoliko at maging sa Panginoon.