Paglikha ng Environment Protection Bureau isinulong sa Senado

Paglikha ng Environment Protection Bureau isinulong sa Senado

October 18, 2020 @ 1:38 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Dulot ng apela ni Secretary Roy Cimatu, naghain ng isang panukalang batas ni Senador Nancy Binay sa paglikha ng Environmental Protection and Enforcement Bureau (EPEB) sa ilalim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Sa pahayag, sinabi ni Binay na sakaling maisabatas ang panukala, tiyak na mapapalakas ang kapabilidad ng DENR na itaguyod ang mandato nito alinsunod sa kahilingan ni Cimatu sa Senado sa deliberasyon ng badyet ng ahensiya noong nakaraang linggo.

Ayon kay Binay, malaki ang maitutulong ng panukala sa implementasyon ng proteksiyon function ng DENR dahil nakakabahala ang pagtaas ng bilang ng karasahan sa sektor ng kapaligiran.  “Nakakabahala ang tumataas na kaso ng karahasan na dinaranas ng ating mga environment officers. The case of Forester Danilo Pascasio II is only the latest in a string of acts of impunity committed against those tasked with protecting our forests,” ayon kay Binay.“I believe that this proposed measure would help protect our officers as they protect the environment, that’s why I am urging my colleagues to pass this bill at the soonest possible time,”  ayon kay Binay.

Nakabase si Pascasio, isang forest management specialist sa Aurora, na kasalukuyang nasa pagamutan matapos atakehin ng  isang illegal logger na kanyang ipinadakip sa ginanap na   anti-illegal timber poaching operation.

Ayon sa   Global Witness, isang international environmental watchdog, 46 environment defenders ang napatay nsa banasa noong 2019. Naitala ang Pilipinas bilang “pinakamapanganib na bansa” para sa environmental defenders noong 2018.

Sinabi ni Binay na napapanahon na dapat kumilos na ang pamahalaan sa pagbibigay proteksiyon sa ating naturang resources.

“Malaking bahagi ng function ng DENR ang environmental protection, ngunit hindi nila magampanan dahil sa iba’t ibang factors, pangunahin na ang kawalan ng kapasidad. We need a dedicated workforce to enforce our environmental laws—hindi na sapat ang scattergun approach. Our enforcers are outgunned, outmaneuvered, and out-resourced by the entities that violate our laws,” ayon sa senador.

Sakaling maisabatas, pagsasama-samahin at itugma ang lahat ng enforcement functions na ginagawa ng DENR sa iba’t-ibang kawanihan at attached agencies nito.

Lilikhain ng panukala ang isang Environmental and Natural Resources Law Enforcement Academy upang sanayin ang mga ENR law enforcers.“The Academy will provide enforcers with basic and advanced training courses on environmental law enforcement. A skills enhancement program will also be included to regularly update the knowledge and upgrade the capability of ENR law enforcers,” ayon sa panukala.

Pagkatapos ng pagsasanay, papayagan silang magdala ng armas para sa field operations.  “The proposed measure would also mandate the setting up of a forensics laboratory to ensure that evidence gathered for prosecuting environmental law violators is science-based,” ayon pa sa panukala.

Bibigyan din ang DENR ng kapangyarihan  na mag-isyu ng Cease and Desist Orders, palaysin ang sinuman at magpalabas ng abatement orders, at pagtatanggal, pagwasak at demolisyon ng illegal structures sa loob ng prohited areas na walang judicial order.

May kapangyarihan din ang   EPEB Director-General o kinatawan nikto na magpalabas ng  Notice of Violation and Seizure Order.“This legislation will help address the constraints that tie our environmental enforcers’ hands and prevent them from fulfilling their mandate. We will not be able to protect our rich resources unless we equip the DENR with the proper tools and authority to do so,” giit ni Binay. Ernie Reyes


  •  
  •  
  •  

Loading...