Paglikha ng water department, malapit nang maisabatas – Poe

Paglikha ng water department, malapit nang maisabatas – Poe

October 18, 2022 @ 7:36 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Ikinalugod ni Senador Grace Poe ang panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na kumilos sa paglikha ng hiwalay na ahensiya ng pamahalaan para mahusay na pamamahala ng yamang-tubig ng bansa na magpapalakas sa pagsasabatas ng panukalang Department of Water Resources bill.

“No less than the chief executive has sounded the alarm over our precarious water supply situation, especially in the urban areas. This is a good impetus to get things moving to have a Department of Water Services,” ayon kay Poe, awtor ng Senate Bill No. 102 na lillikha sa bagong water department.

“Kailangan nating magising sa namimintong krisis sa tubig bago matuyo ang suplay,” dagdag ni Poe.

Isa ang panukala sa 30 measures na inaprubahan ng Legislative-Executive Development Advisory Council.iginiit ni Poe na kailangan nang mabilisang pagtugon sa paggamit, pamamahala at paghahanap ng pagkukunan ng tubig sa gitna ng kakapusan ng suplay na nararanasan ng konsyumer.

Kamakailan, inihayag ng Maynilad Water Services Inc. na magkakaroon ng paggambala sa suplay ng tubig sa linggong kasalukuyan na magsisimula sa Okt 17 sa ilang bahagi ng service areas nito sa Metro Manila, Bulacan at Cavite sanhi ng mabilis na pagbagsak ng imbak sa mga reservoir at mataas na pangangailangan.

Sinabi ni Poe na layunin ng panukalang National Water Resource Management Act na lumikha ng Department of Water Resources na magiging pangunahing ahensiya sa pagpagbuo ng patakaran, plano, koordinasyon, implementasyon, monitoring at adminitratibo ng Sangay ng Ekhekutibo ng pamahalaan.

Aniya, maraming nagsasapawan sa regulatory framework ng tubig at magkakaiba ang setup ang ibinibigay ng regulasyon sa ekonomiya kaya nagreresulta ang kawalan ng katatagan at pagkawatak-watak.

“Such fragmentation has had significant implications in the effective and adequate delivery of water and sanitation services in the country,” ayon kay Poe.

Lilikhain din ng panukala ang independyente, quasi-judicial body na tatawaging Water Regulatory Commission na magtatakda ng patakaran sa suplay ng tubig, alkantarilya at septage management; magbigay ng lisensiya, magtakda, magrebyu at mag-apruba ng rates; magrebyu at magsuspendi ng kontrata; magsagawa ng imbestigasyon sa tiwaling opisyal sa pamamagitan ng quasi-judicial nature; at tiyakin na prayoridad ang kagalingan ng konsyumer.

“Traditionally regarded a free right, water is undervalued, wasted and being depleted too fast. The situation calls for a thirsty solution that we hope our bill can offer,” ayon kay Poe, na nangakong pabibilisin ang pagsasabatas ng panukala. Ernie Reyes