Paglilipat ng holiday na matatapat ng Sabado, Linggo, bubusisiin muna – NEDA

Paglilipat ng holiday na matatapat ng Sabado, Linggo, bubusisiin muna – NEDA

January 17, 2023 @ 1:42 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Kailangan munang balansehin ang panukalang batas na isinusulong ngayon ni Senador Raffy Tulfo ukol sa paglilipat sa araw ng Lunes ng mga holiday na matatapat ng Sabado at Linggo.

Sa Laging Handa Public Briefing, tinuran ni National Economic and Development Authority (NEDA) Undersecretary Rosemarie Edillon na bagamat makakatulong talaga sa domestic tourism ang nasabing panukala, may kailangan pa rin aniya kasing dapat na maiukunsidera.

Ani Edillon, kabilang dito ang posibilidad na magkaroon ng “additional cost of doing business” kasama na ang dagdag bayad sa mga tao sa araw ng holiday.

Wala aniyang duda na may magandang dulot ang panukala lalo na sa aspeto ng pagkakaroon ng matatag na pamilya at komunidad subalit kaiangan lang na matiyak na balanse ito at beneficial sa lahat.

Samantala, magsasagawa aniya sila ng pag-aanalisa ukol dito sa sandaling makarating na sa kanilang tanggapan ang isinusulong na panukalang batas ni Senador Raffy Tulfo na naglalayong magkaruon ng long week end sa tuwing may holiday. Kris Jose