Paglilitis kay De Lima tuloy – DOJ

Paglilitis kay De Lima tuloy – DOJ

June 14, 2022 @ 6:45 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Nakahanap ang Department of Justice ng rason upang ituloy ang prosekusyon laban kay Senator Leila De Lima kahit na binawi na ng mga saksi ang kanilang testimonya sa ikinasang drug cases laban sa kanya, ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra.

“After a thorough review of the evidence already presented as well as evidence still to be presented, there is good reason to continue the active prosecution of the senator,” pahayag ni  Guevarra.

Marami ang nanawagan na palayain ang senadora matapos bawiin nina Kerwin Espinosa, Rafael Ragos, at Marcelo Adorco ang kanilang mga alegasyon laban kay De Lima.

“In any event, the final say on the disposition of the cases rests on the judge alone and no other,” giit ni Guevarra.

Samantala, nanindigan naman si Herbert Colangco na hindi niya babawiin ang mga pahayag laban kay De Lima.

“But when this is done with relish and gusto, like how Herbert Colanggo seems to enjoy the spotlight, whether when speaking to the media or on the witness stand, then that is another matter altogether, “ saad sa tweet ni De Lima.

“Colanggo is actually savoring every moment of his role in this charade, while showing his handlers that his performance is worth every bribe and privilege that they promised him,” dagdag pa niya.

Sinabi naman ni Prosecutor General Benedicto Malcontento na hindi tututulan ang mosyon ng senador para sa medical furlough.

“Security arrangements, no media interviews relating to the merits of the cases, to submit reports of the medical procedures to the court and related matters,” dagdag ni Malcontento. RNT/SA