Paglipat ng ilang ahensya sa DMW wa epek sa DOLE

Paglipat ng ilang ahensya sa DMW wa epek sa DOLE

September 8, 2022 @ 5:58 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Tiniyak ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma na hindi maapektuhan ang kanilang mga programa para sa mga Overseas Filipino Workers(OFWs) sa kabila ng nakatakdang paglipat ng ilang ahensya na nasa ilalim nito patungo sa Dept of Migrant Workers(DMW).

Sa budget briefing ng House Committee on Appropriations kung saan sumalang ang Department of Labor and Employment(DOLE) sinabi ni Laguesma na mayroong joint circular na nilagdaan noong Hulyo sa pagitan ng DOLE at DMW para maging mabilis ang paglipat ng POEA, OWWA at National Maritime Polytechnic (NMP) sa DMW, aniya, ang nasabing circular ang syang magsisiguro na hindi mababalam ang mga serbisyo ng dalawang ahensya para sa mga OFWs.

Sa ilalim ng 2023 National Expenditure Program ay P25.9B ang pondo ng DOLE, ang NMP ay pinaglaanan ngP76.8 million, ang POEA ay P3.233 B habang ang OWWA ay P11.669 billion.

Samantala sinabi ni Laguesma na sa susunud na taon ay hahabulin ng DOLE ang mga naantalang professional licensure exams na mahigit na 2 taong naantala dahil na rin sa pandemic restrictions.

Ani Laguesma ang karaniwang nasa 51 na pagsusulit ay gagawin itong 84 sa susunud na taon o katumbas ng 629, 370 examinees na kukuha ng exam habang target din ng DOLE na isailalim sa continuing professional development ang may 1M professionals na dati ay nasa nasa 600,00 hanggang 800,000. Gail Mendoza